IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga guro, matatanggap na ang SRI simula Disyembre 20; DepEd, malaki ang pasasalamat kay PBBM

Jerson Robles
274
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. assigns Education Secretary Sonny Angara and DBM Secretary Amenah Pangandaman to spearhead the distribution of SRI (Photo from PCO)

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na simula sa darating na Biyernes, Disyembre 20 ay matatanggap na ng mga guro at non-teaching personnel ang kanilang Service Recognition Incentive (SRI) na nagkakahalaga ng P20,000 alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Agad na sinimulan ng kagawaran ang pagproseso sa mga kinakailangang dokumento para sa pagpapalabas ng SRI kasunod ng paglabas ng Administrative Order No. 27 na siyang nagpapahintulot sa paglalabas ng naturang insentibo.

Binigyang-diin ni Angara ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Marcos Jr. pati na kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman para sa kanilang pagsisikap na matiyak na ang mga guro at kawani ng ahensya ay makakatanggap ng buong SRI bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa edukasyon.

“This is a historic moment for DepEd, as we are able to grant the highest SRI ever for our workforce. We are deeply grateful to President Marcos Jr. for his steadfast support in prioritizing the welfare of teachers and staff who serve as the backbone of the education sector,” saad ni Secretary Angara.

“We also thank DBM Secretary Amenah Pangandaman for working with us to provide this incentive to our personnel. It is a testament to how much we value the dedication and sacrifices of our education frontliners, especially as they continue to ensure learning excellence amidst all challenges,” dagdag niya.

Ayon sa DBM Circular Letter at DepEd Memorandum ukol sa FY 2024 SRI, ang pondo para sa SRI ay ililipat sa mga Regional Offices (ROs) sa Disyembre 20, 2024 na agad namang ipapamahagi. -AL

Related Articles

National

Jerson Robles

66
Views