IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga infra project sa bansa, madaragdagan pa – PBBM

Alyssa Luciano
1115
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. leads the inauguration of the Panguil Bay Bridge this Friday, September 27. (Photo by PCO)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas marami pang dapat abangan ang mga Pilipino na mga infrastructure project sa bansa kasunod ng inagurasyon ng Panguil Bay Bridge Project (PBBP) ngayong Biyernes, Setyembre 27.

Ayon sa Pangulo, ang paglulunsad ng proyektong ito na nagkakahalaga ng P8.03 billion ay hudyat para simulan na ang iba pang malalaking proyekto sa bansa.

“Let us make this success a launchpad for further development to ensure that this project opens new doors for progress and prosperity. Hindi po tayo nagtatapos dito sa ating pag-uusap ngayong araw na ito. It is just the beginning. We are building a Bagong Pilipinas—one where every Filipino, no matter how far, no matter how remote, is somehow connected,” saad ng Pangulo.

Kasabay nito ay nagpasalamat din si Pangulong Marcos Jr. sa pamahalaan ng South Korea at sa Korean Export-Import Bank, pati na rin sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa likod ng pagbuo sa proyektong ito.

Ang Panguil Bay Bridge na may habang 3.169 km. ay inaasahang magdurugtong sa Lanao del Norte at Misamis Occidental.

Sa tulong ng tulay na ito, mababawasan na ang oras ng biyahe ng nasa 10,000 na tao kada araw mula dalawang oras na ngayon ay magiging pitong minuto na lamang.

Matatandaan noong Hulyo ay inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pondo para sa naturang proyekto kung saan mula sa P7.38 billion ay itinaas ito sa P8.03 billion. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

76
Views

National

Ivy Padilla

81
Views