IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga kaso ni Quiboloy sa Pilipinas, prayoridad bago ikonsidera ang extradition sa US – PBBM

Alyssa Luciano
4873
Views

[post_view_count]

Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader and Pastor Apollo Quiboloy (Photo by Apollo Quiboloy/FB)

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangan munang harapin ng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy ang mga kasong isinampa laban sa kanya dito sa Pilipinas bago ikonsidera ang extradition sa United States kung saan idineklara siya bilang isa sa most wanted suspected sex traffickers noong 2022.

“The extradition request is not yet there, besides, the judicial process that Apollo Quiboloy is going to have to go through now locally still has to be done, because what has been done is we have implemented and enforced an arrest warrant that has been issued by the court,” paliwanag ni Pangulong Marcos Jr.

Nilinaw ni Pangulong Marcos Jr. na ipauubaya na niya sa judicial system ang aksyon para kay Quiboloy.

“It is now in the court’s hands, wala na sa executive ito. Ang ginawa lang namin, in-implement lang namin, in-enforce lang namin yung order ng court… We now leave Mr. Quiboloy to the judicial system,” saad pa ng Pangulo.

Pebrero 2022 nang mapabilang sa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos si Quiboloy para sa mga kasong may kaugnayan sa sex trafficking, fraud, at cash smuggling.

Samantala, nahaharap naman si Quiboloy sa tatlong kaso na may kaugnayan sa child abuse, sexual abuse, at qualified trafficking na inihain sa korte ng Davao City at Pasig City. -VC

Related Articles