IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga lider ng Kamara, lumagda sa isang ‘manifesto of support’ para kay PBBM

Jerson Robles
441
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. with House Speaker Martin Romualdez. (Photo Courtesy by HOR)

Nagpahayag ng buong suporta ang mga lider ng House of Representatives, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez, para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ‘symbol of nation’s sovereignty’ sa gitna ng mga pagbabanta mula kay Vice President Sara Duterte.

Ang manifesto ay ipinahayag sa Pangulo sa isang Christmas fellowship sa Malacañang kamakailan nagtataguyod ng kanilang pangako na ipagtanggol ang demokratikong institusyon at soberanya ng bansa.

Binibigyang-diin din sa deklarasyon ng Kamara ang pagkakaisa ng lehislatura sa pagprotekta sa mga prinsipyo ng demokrasya at katatagan ng bansa.

“Guided by the Philippine Constitution as the supreme law of the land, we, the Members of the House of Representatives of the Republic of the Philippines, reaffirm our unwavering commitment to defend the democratic institutions and sovereignty of our nation,” saad sa manifesto.

Nakasaad din dito ang limang pangunahing prinsipyo at pangako upang suportahan ang administrasyon ng Pangulo.

Kabilang dito ang pangakong ipagtanggol ang Presidente ng bansa; itaguyod ang rule of law at demokrasya; tutulan ang mga nagtatangkang i-destabilize ang gobyerno; itaguyod ang pagkakaisa ng mga sangay ng gobyerno para sa pambansang layunin; at panatilihin ang integridad ng mandato ng Pangulo para sa epektibo at mahusay na pamumuno.

Kabilang sa mga lumagda para sa kanilang pagsuporta sina Speaker Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe;,Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) Secretary General; Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.

Lumagda rin sa manifesto sina National Unity Party (NUP) President; Rizal Rep. Michael John R. Duavit, Nationalist People’s Coalition (NPC) President; Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Nacionalista Party (NP) Stalwart; San Jose del Monte Rep. Florida “Risa” Robes, Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Member; at Navotas Rep. Tobias “Toby” M. Tiangco, Partido Navoteño President.

Sa kabila ng pagbabanta sa buhay ng Pangulo, nanindigan ang mga mambabatas na sila ay mananatiling nakatayo kasama niya upang ipagtanggol ang demokrasya at siguruhin ang kinabukasan ng bansa. – VC

Related Articles