IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga natatanging LGU at DILG regional office, pinarangalan ni PBBM sa SubayBAYANI Awards 2025

237
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. once again recognized local government units (LGUs) and regional offices of the Department of the Interior and Local Government (DILG-ROs) for their excellence in implementing local infrastructure projects and public services during the SubayBAYANI Awards 2025 ceremony at the Manila Hotel, on Wednesday, November 26. (Photo from PCO)

Muling kinilala ni Pangulong Marcos ngayong Miyerkules ang mga local government units (LGUs) at mga regional office ng Department of the Interior and Local Government (DILG-ROs) sa kanilang kahusayan sa pagpapatupad ng mga lokal na proyekto sa imprastraktura at pampublikong serbisyo sa seremonya ng SubayBAYANI Awards 2025 sa Manila Hotel.

“Keep up the good work. Continue to show that the public can trust and rely on public servants,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Ibinigay ang parangal sa siyam na LGU bilang Top Overall Performers, 126 bilang Exemplars, at tatlong DILG Regional Offices bilang pagkilala sa kanilang matatag na kolaborasyon, tapat na proseso, at maagap na pagtugon sa pangangailangan ng bayan.

Hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga lokal na opisyal na patuloy na maging tapat at masigasig sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo dahil ang mga tapat na lingkod-bayan ang pundasyon ng tagumpay ng anumang pampublikong proyekto.

“High quality remains our standard. A government worthy of its people does not settle for mediocrity, does not cut corners, and does not waver,” ayon sa Pangulo. “We strive for excellence because that is what our citizens deserve, and that is what our country deserves.”

Ayon sa Pangulo, ang mga dedikado at tapat na public servants ay may malaking papel sa tagumpay ng proyekto ng gobyerno.

“Kayo po ang magandang halimbawa na matatag pa rin ang puso ng serbisyo publiko sa ating bansa,” ayon sa Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na ang tagumpay ng Bagong Pilipinas ay bunga ng sama-samang pagkilos, hindi lamang ng iisang lider o sektor.

“Ito ay binubuo ng bawat kawani ng pamahalaan na tapat na naglilingkod sa ating kapwa at bawat mamamayan na handing makibahagi sa mga proyekto ng gobyerno,” pahayag pa ni PBBM.

Kabilang sa mga Top Overall Performers ang sumusunod na LGU at ang kanilang mahahalagang proyekto:

Mountain Province – Upgrading ng Ampawilen-Sadanga Provincial Road

Aklan – Rehabilitation at improvement ng Balete-Arcanghel-Ogsip-Calamcan-Julita-Libacao Road (Phase 3)

Zamboanga Sibugay – Concreting ng Pangi-Guitoan-Gomotoc-Malagandis Provincial Road

Pasig City – Major improvement sa Mega Dialysis Compound

Science City of Muñoz – Konstruksyon ng multi-purpose building

Victorias City – Konstruksyon ng two-storey evacuation center at multi-purpose building

Victoria, Oriental Mindoro – Konstruksyon ng health station

Sumilao, Bukidnon – Konstruksyon ng multi-purpose building sa Barangay Kisolon

Magpet, Cotabato – Konstruksyon ng Basak Water System Level III sa Barangay Basak

Kinilala rin ang tatlong DILG Regional Offices mula sa National Capital Region (NCR), Eastern Visayas (Region VIII), at SOCCSKSARGEN (Region XII) dahil sa kanilang makabago at epektibong monitoring initiatives para sa mga LGU infrastructure projects.

Nagpasalamat din si Pangulong Marcos sa Manila Water Company Inc. bilang katuwang ng gobyerno sa pagtataguyod ng participatory governance, citizen engagement, at evidence-based monitoring.

Itinatag noong 2021 ng DILG ang SubayBAYANI Awards upang kilalanin ang mga LGU na matagumpay na nagpapatupad ng mga proyekto habang isinusulong ang transparency, pananagutan, at aktibong partisipasyon ng mamamayan.

Ang mga parangal ay ibinibigay sa lahat ng mga lalawigan, lungsod, at munisipalidad na may mga proyektong nakarehistro sa SubayBAYANI Portal. | PND