IBCTV13
www.ibctv13.com

Mga pribilehiyo ng kababaihan, hindi lang tuwing Marso!

Hecyl Brojan
96
Views

[post_view_count]

Photo from Canva

Ang National Women’s Month ay ginugunita tuwing Marso kada taon bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan.

Sa temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society,”, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” ng Philippine on Commission on Women (PCW), patuloy nitong isinusulong ang hindi lamang pantay kun’di patas na oportunidad para sa lahat ng mga babae—mula sa edukasyon at trabaho hanggang sa mga batas na sumusuporta sa kababaihan. 

Pero higit pa sa isang buwang selebrasyon, ang adbokasiya para sa karapatan at pag-unlad ng kababaihan ay dapat magpatuloy sa buong taon. 

Mahalagang malaman ng bawat Pilipina ang mga programang inilaan para sa kanila, hindi lamang upang ipagdiwang ang kanilang kakayahan, maging upang bigyan sila ng konkretong suporta sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Serbisyong pangkalusugan at kapakanan

Pangunahing pangangailangan ng mga kababaihan sa bansa ang access sa mga serbisyong pangkalusugan at kapakanan. 

Ayon sa PCW, bukas sa mga babae ang Libreng Medical Check-up at Reproductive Health Services sa bawat lokal na pamahalaan. Sa ilalim ito ng Reproductive Health Law (RA 10354) kung saan nakasaad na dapat may access ang kababaihan sa libreng family planning services, pre-natal checkups, at maternal care sa mga pampublikong ospital at health centers.

Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay may maternity benefits para sa normal at cesarean deliveries. 

Nariyan pa ang Mental Health Support para sa Kababaihan at libreng mental health consultations sa ilang LGU health centers, lalo na para sa mga babaeng nakakaranas ng stress, anxiety, o depression.

Proteksyon Laban sa Karahasan

Hindi na uso ang pananakot sa babae, dahil ngayon ay mas malakas na ang kanilang boses sa tulong ng itinatag na Violence Against Women (VAW) sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA 9262).

Nakasaad sa batas na bawat barangay ay may VAW Desk na maaaring lapitan ng mga kababaihang biktima ng pang-aabuso para sa agarang tulong at legal assistance.

Ang Women and Children Protection Units (WCPU) naman ay itinatag sa ilang ospital at police stations upang magbigay ng medical, psychological, at legal assistance sa mga kababaihang nangangailangan.

Oportunidad sa Trabaho at Pagnenegosyo

Sa sektor ng kabuhayan, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Integrated Livelihood Program (DILP) na magbibigay ng tulong-pinansyal at pagsasanay para sa mga babaeng nais magtayo ng sariling negosyo o mapalago ang kanilang hanapbuhay.

Suporta para sa mga kababaihang apektado ng sakuna o pagkawala ng trabaho sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program kabilang pa ang Skills Training for Women ng Technical Education And Skills Development Authority.

Pagtulong sa mga Ina at Pamilyang Pilipino

Hindi natatapos sa isang yugto ang suporta sa mga kababaihan. Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Act (RA 11210), eligible ang mga empleyadong ina sa 105 days of paid maternity leave at may karagdagang 15 days kung isang solo parent.

Ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Program, suporta sa edukasyon at nutrisyon ng mga batang edad 0-5 taon upang matulungan ang mga inang may maliliit pang anak.

Pagtataguyod ng Kababaihan sa Pamumuno at Pulitika

Matagal nang pinatunayan ng mga kababaihan na hindi lamang para sa iisang sektor ang pagiging isang lider. 

Ang JUANA Be A Leader Program ng Philippine Commission on Women (PCW)  ay isang mentorship program na dinisenyo para sa mga babaeng nais pumasok sa public service at leadership roles.

Ang Women’s Priority in Government Scholarships ay suporta sa edukasyon para sa kababaihang nais pumasok sa larangan ng science, technology, engineering and mathematics (STEM), entrepreneurship, at public administration.

Sa mga nagdaang henerasyon, nasilayan ang progresibong paglawak ng karapatan at mga oportunidad para sa mga babae. Burado na ang mga stereotypes at stigma na idinikit sa kanilang pangalan. 

Walang “lang” sa pagiging babae. Hindi ito iisang limitasyon o isang bagay na kailangan ipagtanggol. Ang babae ay may halaga, may kakayahan, at may ambag sa mundo, hindi dahil sa kasarian kun’di dahil sa talento, sipag, at determinasyon.

Sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga ganitong programa, mas maraming kababaihan ang kayang makamit ang patas na pagkakataon para sa mas magandang kinabukasan. – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

116
Views

Feature

Hecyl Brojan

198
Views

Feature

Hecyl Brojan

122
Views