Nanawagan ang Office of the Civil Defense (OCD) sa mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Kanlaon, partikular na sa La Castellana, Negros Occidental at Canlaon City na lumikas upang hindi mapahamak sakaling sumabog ang bulkan.
“I appeal to all residents, even those outside the six-kilometer extended danger zone, to take this situation seriously and evacuate immediately. We want no casualties in the event of an eruption,” panawagan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.
Ito ay kasunod ng inilabas na advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaugnay sa pagtaas ng ‘ground deformation’ sa Kanlaon Volcano.
Nakitaan ang bulkan ng pamamaga sa ‘middle to upper portion’ ng eastern edifice mula pa nitong Biyernes, Enero 10, habang ang SO2 emission ng bulkan ay nagkaroon ng malaking pagbaba.
Ayon sa Phivolcs, kahalintulad ang mga nabanggit na senyales bago ang nangyaring eruption noong Disyembre 2024.
Nagpaalala rin si Nepomuceno na wala nang mga responder ang magsasagawa rescue operations sakaling sumabog ang bulkan kung kaya’t mahalaga aniyang lumikas na.
“No responders will attempt to get inside the danger zones to execute rescue operations should an eruption occur. It is crucial for everyone’s safety to evacuate now,” saad ni Nepomuceno.
Sa ngayon, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang bulkang Kanlaon.