Nakunan ng thermal camera ng Daang Kastila Observation Station (VTDK) ang naganap na ‘minor phreatic eruption’ sa main crater ng Taal Volcano bandang 1:59 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Setyembre 25.
Kilala sa lokal na tawag na ‘pusngat’, nagdulot ang pagsabog ng 600 metrong taas ng abo at napadpad sa direksyong timog-kanluran (SW).
Bukod dito, naitala rin ang 4,899 toneladang asupre sa bulkang Taal batay sa 24 oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Kasalukuyan pa ring nakataas sa Alert Level 1 ang naturang bulkan. -VC