IBCTV13
www.ibctv13.com

Miyembro ng Dawlah Islamiyah terrorist group na suspek sa 2018 GenSan bombing, nadakip sa NAIA 1

Kristel Isidro
288
Views

[post_view_count]

The National Bureau of Investigation (NBI) arrested an alleged member of the Dawlah Islamiyah Maguid terror group at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 last Wednesday, February 25. (Photo courtesy of NBI)

Tagumpay na naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang hinihilang miyembro ng Dawlah Islamiyah Maguid sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 para sa kasong pambobomba sa General Santos City noong 2018.

Isinagawa ang pagdakip pagdating pa lamang ng suspek sa bansa matapos ipa-deport mula sa Estados Unidos dahil sa paglabag kaugnay sa immigration.

Pinangunahan ng NBI-Central Mindanao Regional Office ang operasyon, katuwang ang NBI-Sarangani District Office.

Nagbigay din ng suporta ang Philippine National Police (PNP), kabilang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa akusado.

Ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 23 ng General Santos City, kaugnay ng ilang bilang ng frustrated murder sa kasong nag-ugat sa pambobomba sa lungsod noong 2018, na ikinasugat ng walong sibilyan, kabilang ang tatlong taong gulang na bata.

Itinuturing ang suspek na pangunahing personalidad sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng improvised explosive device (IED) attack.

Ayon sa NBI, ang pag-aresto ay bunga ng matibay na koordinasyon ng lokal at internasyonal na mga ahensya.

Tiniyak ng ahensya na patuloy tutugisin at pananagutin ang mga nagbabanta sa pambansang seguridad sa ilalim ng batas ng Pilipinas. – VC

Related Articles

National

Kristel Isidro

962
Views

National

Kristel Isidro

1074
Views

National

Kristel Isidro

833
Views