Ipapatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa paglangoy at paglalaro sa baha sa Metro Manila upang maiwasan ang sakit na leptospirosis.
Ang nasabing patakaran ay iaayon sa ordinansang ipinatupad ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanilang lungsod kung saan aabot ng P500 hanggang P1000 ang multa o penalty ng mga mahuhuli.
Sa pagpupulong ng Joint Metro Manila and Regional Development Council nitong Miyerkules, Setyembre 11, binigyang-diin ni MMDA Acting Chairman Don Artes na dapat may “clear distinction” kung recreational swimming o kinakailangan talagang lumusong sa baha.
As of August 13, umabot na sa kabuuang 2,115 kaso ng leptospirosis ang naitala sa bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 3. -VC