Sinusuportahan ng mga dating Secretary ng Department of Finance (DOF) ang paggamit ng ahensya sa excess funds ng mga government-owned or controlled corporations (GOCCs) upang pondohan ang ilang mga ‘crucial government projects’ partikular na sa sektor ng kalusugan, edukasyon, social services, at imprastraktura.
Naniniwala sila na mas magbebenepisyo ang mga Pilipino sa hakbanging ito ng DOF dahil makatutulong ito sa pagbuo ng mga public projects na makapagpapalakas sa ekonomiya at inaasahang magpaparami rin ng trabaho, magpapataas sa sahod, at tutuldok sa kahirapan sa bansa.
“As past DOF Secretaries, we are acutely aware of the heavy responsibility the DOF bears in funding the nation’s dreams and aspirations for the Filipino people. We have firsthand experience with the underlying challenges and difficulties of generating sufficient revenues to fund critical initiatives that support economic growth,” saad ng mga kalihim sa isang joint statement.
Inihayag din nila na mas maigi nang gamitin ang sobrang pondo ng GOCC kaysa magpatupad ng karagdagang buwis o madagdagan pa ang utang ng bansa.
“Responsible public financing requires considering opportunity costs. If unused funds are left dormant, the potential benefits are lost. Every unused peso represents development denied for Filipinos,” dagdag pa ng mga kalihim.
Tiiwala rin ang mga sila kay Finance Secretary Ralph Recto na siyang mangangasiwa sa mobilization na ito para sa ikabubuti ng mga Pilipino. – AL