IBCTV13
www.ibctv13.com

Nananatiling mataas na presyo ng bigas, ikinabahala ng mga mambabatas; hinihinalang dahil sa cartel

Earl Tobias
269
Views

[post_view_count]


Prices of rice in the public market. (Photo by PIA)

Ikinabahala ng mga kongresista ang nagpapatuloy na mataas na presyo ng bigas sa mga palengke sa kabila ng datos ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagpapatunay ng pagbaba at pag-stabilize nito.

Giit nina House Appropriations Committee Vice Chairpersons Stella Quimbo at Janette Garin, dapat ngayon ay may P35 kada kilo ng bigas nang mabibili sa merkado matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ang singil sa taripa ng imported rice mula 35% patungong 15%.

“Tumaas at mas dumami ang suplay ng bigas sa Pilipinas kaya supposedly mas mababa yung presyo, subalit yung baba ng presyo, dapat maramdaman ng maria and juan ay tila nawa sa hangin,” saad ni Garin.

Hinihinala ngayon ng mga mambabatas na hindi pa nabubuwag ang mga cartel na nagsasagawa ng iligal na pagpasok ng produkto sa bansa at nag-iipit ng suplay ng bigas upang manipulahin ang presyo nito.

Isa rin sa tinitingnan na dahilan ang posibilidad na pagpapatong ng sobra-sobrang tubo ng rice retailers.

Samantala, nakita naman ni House Deputy Speaker David Suarez na may mga rice corporation na iba-iba ang ginagamit na pangalan ngunit iisa lamang ang nagmamay-ari.

Ilan sa mga korporasyon ng bigas ang ipinatawag na sa susunod na pagdinig kabilang ang sampung pinakamalaking rice wholesalers sa bansa. – DP/VC

Related Articles