
Isang makasaysayang paglipad ang naisagawa ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) matapos matagumpay na subukan ang X-59 Quiet Supersonic Jet sa disyerto ng California nitong Martes, Oktubre 28, isang proyekto na layong buksan ang posibilidad ng mabilis at tahimik na commercial air travel.
Ang X-59, na idinisenyo ng aerospace contractor na Lockheed Martin para sa NASA, ay dinisenyo upang makalipad sa bilis na 925 miles per hour na halos doble ng karaniwang commercial airplane.
Ayon kay NASA Deputy Administrator Pam Melroy, ang X-59 ay “meticulously engineered” upang makalikha lamang ng mahinang tunog o “gentle bump,” malayo sa dating sonic boom na naging dahilan ng pagbabawal ng supersonic flight sa bansang Amerika noong 1973.
May halagang mahigit $247 milyon, sinimulan ang proyekto noong 2018 at inaasahang magbibigay-daan ito sa panibagong henerasyon ng commercial supersonic travel — mabilis, episyente, at tahimik na paraan. (Ulat mula kay Mark Timbreza) –VC











