IBCTV13
www.ibctv13.com

NDCP, inirekumenda ang pagtatatag ng maritime outpost, research facilities sa WPS

Ivy Padilla
51
Views

[post_view_count]

BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) distributed food packs to Filipino fishermen in the vicinity waters of Bajo de Masinloc. (Photo by PCG)

Inirekumenda ng National Defense College of the Philippines (NDCP) ang pagtatatag ng civilian-lead maritime outposts at small-scale island reclamations projects sa West Philippine Sea (WPS) bilang nakikitang hakbang upang mapatatag ang presensya ng bansa sa katubigang teritoryo.

Sa inilabas na Executive Policy Brief (EPB), hinimok ng NDCP ang Pilipinas na bumuo ng mga pasilidad tulad ng “lighthouses, marine scientific research stations, and airstrips” upang mapalakas ang self-defense capabilities ng bansa habang patuloy na isinusulong ang payapang intensyon.

Suportado ng NDCP ang pagpapanatili ng outpost na BRP Sierra Madre na nakapwesto sa Ayungin Shoal upang matiyak ang ‘sustainability’ sa sakop na teritoryo ng bansa.

Binigyang-diin ng college institution na makatutulong ang civilian-led dual-purpose infrastructure tulad ng research facilities sa pagpapatatag ng karapatan ng bansa nang hindi pinapalala ang sitwasyon.

“These recommendations aim to solidify the Philippines’ maritime hold, deter Chinese aggression, and contribute to regional stability,” saad ng NDCP. – VC