IBCTV13
www.ibctv13.com

NFA rice, sinimulan nang ilabas matapos ang pagdeklara ng food security emergency – DA

Divine Paguntalan
165
Views

[post_view_count]

The Department of Agriculture led the ceremonial turnover of NFA rice to some LGUs in the Philippines. (Photo from Merry Ann Bastasa, RP1)

Nagsimula nang ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang rice stocks ng National Food Authority (NFA) sa ilang piling local government units (LGUs) sa bansa, bilang pagtugon sa food security emergency (FSE) na idineklara ng ahensya.

Sa isang ceremonial turnover ngayong araw, Pebrero 19, pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang distribusyon ng suplay ng bigas sa lokal na pamahalaan ng San Juan, Valenzuela at Camarines Sur.

“This is just the beginning. We expect more local government units to participate in this effort, which will benefit not only Filipino consumers but also rice farmers,” saad ni Secretary Laurel.

Target ng NFA na maglabas ng 25,000 metriko tonelada ng bigas sa panahon ng FSE at posible pang taasan kung kinakailangan.

“With the P9 billion allocated by President Ferdinand Marcos Jr. for NFA’s rice procurement this year, and the remaining funds from last year’s record purchases, we aim to buy even more palay from farmers,” dagdag ng kalihim.

Kaugnay nito, nilalayon ng programa na tiyakin ang sapat at tuluy-tuloy na suplay ng bigas, protektahan ang mga mamimili laban sa tumataas na presyo ng bilihin, at palakasin ang kita ng mga lokal na magsasaka. – AL

Related Articles

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

90
Views

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

101
Views

National

Hecyl Brojan

32
Views