IBCTV13
www.ibctv13.com

NHA, magkakaloob ng condo unit sa pamilya ni Rene Baterbonia

Kristel Isidro
100
Views

[post_view_count]

Parents of Ateneo student-athlete Rene Baterbonia. (Photo courtesy of
Provincial Government of Agusan del Sur)

Magkakaloob ang National Housing Authority (NHA) ng isang condominium unit sa pamilya ng nasawing Ateneo student-athlete na si Rene Baterbonia.

Sa isang social media post, sinabi ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. na nakipag-ugnayan sa kanya ang NHA kaugnay ng ipagkakaloob na housing assistance sa pamilya Baterbonia.

Ayon sa NHA, isang condominium unit sa Madayaw Residences na matatagpuan sa Sierra Madre Road, Bangkal, Davao City ang nakalaan sa pamilya ng atleta.

Inaasahang bibisita ang mga kinatawan ng NHA Region XIII sa pamilya Baterbonia sa Biyernes upang pormal na ipabatid ang housing grant.

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas mula nang masawi si Baterbonia sa isang drowning incident nang dumalo sa team-building activity sa isang resort sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Inilibing si Baterbonia sa Brgy. Labnig Memorial Cemetery sa Talacaogan, Agusan del Sur ngayong Miyerkules, Hunyo 24. VC