IBCTV13
www.ibctv13.com

No Work, No Pay’ policy, ipatutupad ngayong Pebrero 25 – DOLE

Divine Paguntalan
144
Views

[post_view_count]

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa “No Work, No Pay” policy na ipinatutupad ngayong Martes, Pebrero 25, kasunod ng deklarasyon sa EDSA People Power Revolution bilang isang ‘special working day’.

Alinsunod ito sa Proclamation No. 727, Series of 2024, na nagsisilbing gabay sa pagbabayad ng sahod at iba pang benepisyo tuwing Pebrero 25.

Nakasaad sa labor advisory na hindi obligado ang mga employer na bayaran ang mga empleyadong hindi papasok sa trabaho ngayong Martes.

“If the employee does not work, the ‘no work, no pay’ principle shall apply unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement (CBA) granting payment to a special working day,” saad ng DOLE sa advisory.

Samantala, narito naman ang matatanggap na sahod ng mga empleyadong papasok sa trabaho ngayong anibersayo ng EDSA People Power:

  • 100% ng kanilang arawang sahod para sa unang walong oras ng trabaho.
  • Karagdagang 25% ng kanilang hourly rate para sa overtime o lampas sa walong oras na trabaho.

– VC

Related Articles

National

Hecyl Brojan

52
Views

National

Divine Paguntalan

56
Views