IBCTV13
www.ibctv13.com

Notorious child trafficker na nambibiktima ng mga batang Pinoy, naaresto sa UAE

Ivy Padilla
455
Views

[post_view_count]

(Photo by Benhur Abalos Jr./Facebook)

Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang matagumpay na pagkakahuli sa isang notorious at big-time child trafficker sa United Arab Emirates (UAE) na nambibiktima ng daan-daang menor de edad.

Sa isang pahayag, ibinalita ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na nakatakdang ibalik ang nahuling suspek sa Pilipinas ngayong araw, Setyembre 12, para harapin ang mga kaso at reklamo sa bansa.

“Sa ating pakikipagugnayan at sa tulong ng pamahalaan ng UAE, ang child trafficker na ito ay ating ibabalik sa Pilipinas,” saad ni Abalos.

Kinilala ng kalihim ang tagumpay na ito bilang malaking hakbang sa laban ng gobyerno kontra human trafficking at pagprotekta sa mga kabataan mula sa anumang anyo ng pang-aabuso.

“Para sa mga walang-pusong nang-aabuso ng menor de edad na kabataan, malinaw ang mensahe: Wala kayong ligtas na taguan; kahit saan man kayo pumunta tiyak na haharap kayo sa batas upang manaig ang hustisya,” pagbibigay-diin ng kalihim. -VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

96
Views

National

Divine Paguntalan

85
Views