IBCTV13
www.ibctv13.com

OCD, magkakasa ng pagpupulong bukas para paghandaan ang posibleng tsunami scenario

Jerson Robles
238
Views

[post_view_count]

Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director USEC. Ariel F. Nepomuceno issued urgent directives during the NDRRMC Emergency Preparedness Meeting today, addressing the ongoing threats posed by the Shear Line, the eruption of Kanlaon Volcano, and a recent sequence of earthquakes offshore of Ilocos Sur. (Photo from Civil Defense PH)

Sa gitna ng banta ng tsunami kasunod ng naranasang ilang pagyanig sa Ilocos Sur, agad nagpatawag ng pagpupulong ang Office of Civil Defense (OCD) upang palakasin ang kanilang mga hakbang at paghandaan nang maigi ang posibleng panganib nito bukas, Disyembre 27.

Pangungunahan ni Undersecretary Ariel Nepomuceno ang Urgent Tsunami Preparedness Meeting kung saan nakatakdang ilatag ang mga contingency plans at pamamaraan para sa pinakamalalang senaryo na maaaring mangyari dahil sa sunud-sunod na lindol sa probinsiya.

Pinangangambahan na ang naranasang magnitude 1.8 hanggang 5.0 na lindol sa lugar kamakailan ay nagbabadya ng isang tsunami na maaaring tumama sa mga baybaying komunidad ng Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon sa loob ng 10 hanggang 20 minuto.

“We must create a system where, when there is a final warning, the message is clear: run to higher ground, not to evacuation centers. This is crucial for effective response,” ani Nepomuceno.

Bilang bahagi ng mga hakbangin, tatalakayin sa pagpupulong ang forecasting ng mga epicenter gamit ang datos mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), geotagging sa mga safe spots, at simulation drills.

Hinikayat ni Nepomuceno ang lahat ng regional directors na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang masigurong handa ang kanilang mga komunidad.

“Check preparations for earthquakes, considering the possibility of a tsunami resulting from the movement of the Manila Trench. I understand that your areas may not be as prepared as we desire, but we must address this situation immediately,” saad ni Nepomuceno.

“While working with other agencies within the NDRRMC framework, it is essential for you to take a leading role in the OCD’s initiatives,” dagdag niya.

Sa kabila ng alalahanin, ang OCD ay nagsusumikap upang mapalaganap ang kaalaman at kahandaan ng publiko laban sa anumang sakuna. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

45
Views

National

55
Views

National

98
Views