Idinetalye na ng Office of Civil Defense (OCD) – Central Visayas ang ginagawa nilang mga hakbang para sa ipapatupad na Plan Exodus at malawakang paglikas ng mga residente sakaling mangyari ang full eruption ng Bulkang Kanlaon, Martes, Enero 7.
Ayon kay OCD-Central Visayas Director Joel Erestain, mahalaga na ilatag nang maaga ang mga preparasyon dahil ‘inevitable’ ang pagputok ng bulkan.
Setyembre noong nakaraang taon pa lang nakikipag-usap na ang OCD sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Sa kabila nito, nananatiling hamon sa kanila ang paghahanap ng lupain para sa relocation area ng mga bakwit.
“One of the challenges is to look for a land where we can evacuate our countrymen,” saad ni Erestain.
“Mahalagang maghanda dahil maaaring matabunan ang Canlaon,” dagdag niya.
Sa ngayon, may mga lupain naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaaring maging pansamantalang relocation site ng mga maaapektuhang residente.
Tinututukan din ng OCD ang pagbuo ng sistematikong transportasyon ng mga residente kung itataas sa Alert Level 4 ang Kanlaon.
Pinag-aaralan pa ng OCD kung alin sa mga kalsada ang makakabuti at ligtas na daanan palabas ng Canlaon City lalo na at kailangang wala dapat na matirang residente sa lungsod.
“What we’re looking at as our way out of Canlaon City is the road going to Vallehermoso, a nearby town. There’s a path going to La Castellana but if you go that route, you are still inside. So that’s not possible,” pahayag ng opisyal.
“I think there’s also a route toward San Carlos but that’s not also applicable. Then there’s another one leading to Benedicto. We’ve practically checked everything,” dagdag niya,” dagdag niya. – VC