IBCTV13
www.ibctv13.com

OCD: Mas bumuti ang kahandaan ng mga Pinoy pagdating sa sakuna

Ivy Padilla
53
Views

[post_view_count]

Rescue operations in Nasugbu, Batangas during the onslaught of Tropical Storm Kristine. (Photo by PCG)

Kinilala ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel F. Nepomuceno ang pagbuti sa antas ng ‘disaster preparedness’ ng mga Pilipino sa kanyang pagdalo sa Bagong Pilipino Podcast.

“We have seen improvements, specifically on the use of scientific data with Hazard Hunter or Geohazard maps,” ani Nepomuceno.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng hazard assessment tools para gawing handa ang mga Pilipino mula sa banta ng kalamidad lalo na’t humigit-kumulang 20 bagyo ang nananalasa sa bansa taun-taon, bukod pa sa panganib ng lindol at pagsabog ng bulkan.

“With these platforms, the people already know the hazards in their specified locations. We are equipping them with knowledge on the dangers they are facing—whether these are flood-prone, landslide-prone, and the like,” paliwanag ni Nepomuceno.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na marami pang kailangan gawin ang ahensya upang mas mapalakas ang kamalayan ng publiko sa paghahanda sa mga sakuna.

“The government is relentless in the issuance of warnings for disasters, but some Filipinos have the tendency to ignore these alerts. Because of this, we are continuously finding ways to make our warnings more understandable, more creative, and more relevant to the people,” dagdag niya.

Nangako naman si Nepomuceno na patuloy makikipagtulungan sa media para sa mabilis at napapanahong pagbabalita ng mga babala lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

151
Views

National

Divine Paguntalan

118
Views