IBCTV13
www.ibctv13.com

OCD, naghahanda na para sa mas mataas na alert level sa Mt. Kanlaon

Jerson Robles
276
Views

[post_view_count]

Time-lapse footage of ash emission from the Kanlaon Volcano summit crater recorded between 03:30 p.m. to 04:35 p.m. on December 25 (Screengrab from PHIVOLCS)

Sa gitna ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon, gumugulong na ang ilang hakbangin ng Office of the Civil Defense (OCD) bilang maagang paghahanda sakaling itaas pa ang estado nito mula sa kasalukuyang Alert Level 3.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may tatlong senaryo ang maaaring mangyari sa bulkan: pagdaloy ng lava, marahas na pagsabog, o isang plateau sa aktibidad ng bulkan.

“Kami ay nag-aayos para sa mas mataas na alert level at inatasan kami ni Phivolcs na panatilihin ang Alert Level 3,” pahayag ni Raul Fernandez, Office of Civil Defense Western Visayas Director at Regional Task Force Kanlaon Chairperson.

Samantala, sinimulan na ang pagtatayo ng tent city para sa pansamantalang tutuluyan ng mga posibleng evacuees sa Himamaylan City.

Sa nakaraang dalawang linggo, ilang pagpupulong ang isinagawa ng Regional Inter-Agency Coordinating Cell upang talakayin ang mga isyu at alalahanin kaugnay ng bulkan.

Tiniyak din ni Fernandez na sapat ang relief goods para sa mga pamilyang apektado ng pagsabog, kasama ang tulong mula sa Philippine Red Cross at mga lokal na pamahalaan na nagbibigay ng mainit na pagkain sa mga evacuation centers.

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa higit P36.19 milyon ang halaga ng kabuuang humanitarian assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagsabog ng Kanlaon.

Mahigit P30.5 milyon halaga naman ng kabuuang tulong ang nanggaling mula sa DSWD.

Sa kabila ng hindi pa nakakaalarma na sitwasyon, nananatiling handa ang OCD at iba pang ahensya upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan. – VC

Related Articles

National

105
Views

National

Hecyl Brojan

106
Views