IBCTV13
www.ibctv13.com

OCD-NCR, kasangga sa pagtitiyak ng maayos na Traslacion 2025

Jerson Robles
158
Views

[post_view_count]

As the Black Nazarene Traslacion approaches, Director George F. Keyser of the Office of Civil Defense – National Capital Region (OCD-NCR) has reaffirmed the commitment to safety and organization during the highly anticipated event set for January 9, 2025. (Photo from Civil Defense PH)

Tiniyak ng Office of Civil Defense – National Capital Region (OCD-NCR) ang kahandaan ng bawat departamento nito na matutukan ang kaligtasan ng buong pagdaraos ng Traslacion 2025 bukas, Enero 9.

Nitong Martes, Enero 7, personal na nag-ikot si OCD-NCR Director George F. Keyser sa ginagawang preparasyon ng mga pangunahing ahensya ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Emergency Operations Center, Kartilya ng Katipunan, at Quiapo Multi-Agency Command Center.

Kabilang sa sinuri ni Director Keyser ang set-up ng mga pasilidad para sa Incident Management Team, kabilang ang Incident Command Post at Field Hospital 1.

Habang nasa ground, sinamantala na ni Keyser na makiisa sa tradisyonal na “Pahalik” sa Quirino Grandstand.

Nagsagawa naman ng Response Cluster Meeting ang Metropolitan Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) upang talakayin ang mga emergency preparedness measures para sa Traslacion na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya.

Pagtitiyak ng OCD-NCR Director, kasado na ang malawakang plano na itinatag ng Quiapo Parish at Manila Local Government Unit kabilang ang deployment strategies para sa Incident Management Team at road closures.

Sa pamamagitan ng masusing paghahanda at aktibong pakikilahok ng OCD-NCR sa banal na pagdaraos, kumpiyansa si Keyser na matitiyak ang isang ligtas at maayos na Traslacion. – VC