IBCTV13
www.ibctv13.com

OFW AKSYON Center, simbolo ng Bagong Pilipinas – PBBM

Jerson Robles
249
Views

[post_view_count]

(Screengrab from RTVM)

Simbolo ng Bagong Pilipinas para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng One-Stop Overseas Filipino Workers Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) Center sa Makati City ngayong Martes, Disyembre 17.

Ito na ang ika-23 OFW AKSYON Center sa buong bansa at ika-lima sa National Capital Region na layong makapagbigay ng kinakailangang serebisyo at tulong para sa mga overseas Filipino workers mula sa southern Metro Manila.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang mga hakbang na ito ay hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng mga gusali kung hindi pati na rin sa pagpapakita ng malasakit ng gobyerno sa mga manggagawang Pilipino.

“Sa ilalim ng ating pamahalaan, sinisiguro natin na ang bawat Pilipino—lalo na ang ating mga manggagawa sa iba’t ibang bansa—ay mararamdaman ang malasakit at mabilis na serbisyo mula sa gobyerno,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Kasabay nito ay tiniyak din ng Pangulo na patuloy ang gobyerno sa pagsusulong ng kapakanan ng mga migrant workers.

“Nawa’y ang sentrong ito ay magsilbing paalala na [gaano] man kalayo ang kanilang narating o kataas ang kanilang naabot, ang kanilang bayan ay laging naririto upang salubungin sila,” ani Pangulo.

Ang bagong AKSYON Center ay magsisilbing annex ng Department of Migrant Workers (DMW), kung saan ililipat ang ilang opisina mula sa kasalukuyang headquarters nito. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

59
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views