IBCTV13
www.ibctv13.com

OFW remittances, pumalo sa $3.42-B ngayong Oktubre; pinakamataas mula Hulyo

Jerson Robles
162
Views

[post_view_count]

Tumaas sa $3.42 billion ang kabuuang remittances mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) nitong Oktubre batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mas mataas ito ng 2.7% kumpara sa $3.33 billion na naitala noong nakaraang taon at maituturing na pinakamataas na antas simula buwan ng Hulyo.

Umabot naman sa $3.08 billion ang cash remittances sa mga bangko na pinakamataas sa loob ng tatlong buwan.

Tumaas din sa 3.2% ang pagpapadala ng mga land-based OFW na may halagang $2.48 billion, habang umabot naman sa 0.6% ang itinaas sa remittances ng mga sea-based workers na umabot sa $600 million.

Ayon sa ekonomistang si Michael Ricafort, ang pagtaas ng remittances ay nagpapalakas ng consumer spending na mahalaga para sa ekonomiya lalo na ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.

Inaasahan din ng BSP na magpapatuloy ang paglago ng remittances sa susunod na taon, sa kabila ng isinusulong na ‘protectionist policies’ ni United States president-elect Donald Trump na posibleng makapagpabagal sa remittances ng mga OFW mula sa US. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

59
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views