IBCTV13
www.ibctv13.com

Online sexual abuse, exploitation ng mga kabataan, pinatutuldukan na ni Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
271
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. during his speech at the “Iisang Nasyon, Iisang Aksyon” Summit on September 16, 2024. (Photo by PCO)

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko at ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na dapat nang kumilos at magsagawa ng ‘extra effort’ upang tuluyang wakasan ang pang-aabuso sa mga kabataan lalo na ang mga dumaranas ng online sexual abuse at exploitation.

Bahagi ito ng kanyang talumpati para sa “Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) Ngayon Summit 2024” kung saan binigyan-diin ng Pangulo ang pagpapaigting sa mga hakbangin ng pamahalaan para hindi na makaranas ng sexual exploitation ang mga kabataan online.

“For us to allow this to happen in our country, it brings to me an overwhelming sense of shame because being in government, being in public service, we are not doing enough. We must do more,” panawagan ni Pangulong Marcos Jr.

“It is sexual abuse and exploitation of children. And I leave it to your imagination, and I would imagine in some cases your imagination cannot even begin to fathom what is done to these poor children – to our poor children,” dagdag pa ng Pangulo

Kasabay nito ay kinilala naman ng punong ehekutibo ang mga inisyatiba ng Department of Justice (DOJ) – Inter-Agency Council Against Trafficking at Department of Interior and Local Government (DILG) para maisakatuparan ang mga summit na layong magbigay daan upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng mga pamilya at kabataan sa bansa.

Batay sa tala ng Philippine National Police (PNP), aabot sa 1,099 na mga biktima ng OSAEC ang na-rescue mula sa 237 operasyon nito kung saan 138 na mga suspek ang naaresto, 139 kaso ang naisampa, at 41 na mga salarin ang na-convict. – AL