
Hinangaan ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Mel Senen Sarmiento ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa mabilis na paghahatid ng humanitarian assistance sa mga lugar na nasalanta ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao kamakailan.
Kabilang sa pinuri ni Sarmiento ang pagpapakalat ng BARMM’s Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) team at mga tauhan mula sa Bangsamoro READi ng Office of Civil Defense (OCD)–BARMM para suportahan ang nagpapatuloy na emergency response at relief operations ng pambansang pamahalaan.
“This is not the first time that the BARMM has extended a helping hand to communities
outside its territorial boundaries. We have seen the Bangsamoro government mobilize
assistance for fellow Filipinos affected by disasters in other parts of the country,” saad ng kalihim.
Patunay aniya ang mabilisang pagtugon ng Bangsamoro sa lumalago nitong kapasidad pagdating sa national humanitarian effort, na sumasalamin sa malasakit at pagkakaisa na nabuo sa pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon.
“More importantly, this assistance symbolizes the strong bond between Muslims and
Christians in Mindanao. During these challenging times, we are reminded that our shared humanity is far greater than our differences,” ani Sarmiento.
Kaugnay nito, pinagana na ng Local Conflict Transformation–Field
Implementation Support Office (LCT-FISO) ng OPAPRU ang kanilang mekanismo sa pagtugon sa kalamidad at nagsimula na ring magsagawa ng rapid assessment sa mga apektado ng mapaminsalang lindol.
Kabilang dito ang pagsusuri sa sitwasyon ng mga komunidad kung saan matatagpuan ang mga dating rebelde, at kanilang mga pamilya at organisasyon.
Aktibo rin ang koordinasyon ng ahensya sa local disaster risk reduction and management offices at mga lokal na pamahalaan upang alamin ang estado ng mga noo’y rebelde na hindi pa rin makausap dahil sa napinsalang linya ng komunikasyon at mga nakatira sa malalayong lugar na malapit banta ng landslide at iba pang sakuna.
Patuloy din ang pakikipag-usap ng OPAPRU sa Department of Social Welfare
and Development (DSWD), LGUs, at mga kinauukulang ahensya para matiyak na mapapabilang ang mga pamilya sa mabibigyan ng emergency relief assistance at paghahatid ng psychosocial support services.
“These efforts are intended to ensure that no former rebel or conflict-affected family feels marginalized during this crisis. Our goal is to help connect them to government agencies so that they can access much-needed assistance,” ani naman ni OPAPRU Executive Director Elisa Evangelista. – IP











