IBCTV13
www.ibctv13.com

Opisina na tututok sa mas mabilis na rehabilitasyon ng Marawi, binuo ni PBBM

Divine Paguntalan
175
Views

[post_view_count]

Ruins of the buildings from Marawi siege in 2017. (Photo by International Committee of the Red Cross)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatatag ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD) para mapabilis ang rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa bisa ng Executive Order No. 78, mas paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kinauukulang local government units kaugnay sa pagpapatupad ng mga programa, aktibidad at proyekto para sa tuluy-tuloy na pagbangon ng mga residente at makamit muli ang kapayapaan sa Marawi City.

Inaatasan naman ng EO No. 78 ang OPAMRD na magbigay ng ulat sa Pangulo patungkol sa bawat hakbangin at progreso sa lugar.

“The Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD) is hereby created to integrate, coordinate, and accelerate the implementation of all government PAPs related to the rehabilitation, development, and restoration of peace, and order in Marawi City and other affected localities,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Hinimok din ng punong ehekutibo ang iba pang kagawaran, opisina at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na maghatid ng “full and timely assistance and cooperation” sa OPAMRD para masiguro na epektibo ang implementasyon. – VC

Related Articles