Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang natatanging serbisyo ni outgoing Commanding General ng Philippine Air Force (PAF) na si Lieutenant General Stephen . Parreño, sa isang seremonya, ngayong Huwebes, Disyembre 19.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang naging dedikasyon ni Parreño sa programang “Accelerate PAF with Excellence”, na nakatuon sa prinsipyong tumutugon sa mga pangangailangan ng bansa.
“Today, we stand together to honor a leader who has served our nation with unparalleled distinction. Lieutenant General Stephen Parreño, as Commanding General of the Philippine Air Force, has led this institution to soar to new heights over the past two years,” saad ng Pangulo.
Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ni Parreño sa PAF, kabilang na ang 2,500 oras ng paglipad nito para sa external defense at 450 maritime patrol missions na nagpatibay sa integridad ng teritoryo ng bansa.
“These are not just records; they represent vigilance, determination, and an unwavering resolve to safeguard our airspace. In these efforts, our skilled pilots have remained resolute, intercepting threats [and] monitoring unidentified tracks that encroach upon our airspace,” ani Marcos Jr.
Pinuri rin ng punong ehekutibo ang pamumuno ni Parreño sa pagharap sa iba’t-ibang banta sa seguridad, kabilang ang 119 intelligence, surveillance, at reconnaissance missions.
Si Parreño rin ang nanguna sa PAF para sagipin ang 320 indibidwal mula sa human trafficking at pagkakakumpisa ng ilegal na kalakal na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.
Nakamit din ng PAF sa ilalim ng dating Commanding General ang makabuluhang pagpapahusay sa kakayahan nito sa pamamagitan ng pagkuha ng bagong kagamitan tulag ng C-295 medium-lift aircraft at S-70i Black Hawk helicopters.
Bilang pagtatapos, pinasalamatan ni Pangulong Marcos Jr, si Parreño para sa kanyang 37 taong serbisyo at mga nagawa na nagsisilbing patunay ng kanyang bisyon at dedikasyon sa misyon ng PAF.
“These accomplishments are a testament to your vision, diligence, and unyielding commitment to the mission at hand. After thirty-seven years of dedicated service to our nation, you pass on a legacy that embodies excellence and inspires the next generation of leaders to build upon the foundations that you have laid,” aniya. – AL