IBCTV13
www.ibctv13.com

P1-B compensation para sa Marawi siege victims, inilabas ng DBM

Divine Paguntalan
242
Views

[post_view_count]

Ruins of the buildings from Marawi siege in 2017. (Photo by International Committee of the Red Cross)

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P1-bilyon halaga ng Marawi Siege Victims Compensation para sa taong 2024.

Ito ay sa ilalim ng Special Allotment Release Order (SARO) na kukuhanin sa pondo ng 2024 General Appropriations Act kung saan nasa 574 benepisyaryo ang inaasahang makikinabang.

Binigyang-diin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na malaking tulong ang pagpapalabas ng pondo para muling makabawi ang mga biktima mula sa kaguluhan sa Marawi noong 2017.

“As a daughter of Mindanao, I can say na malaking tulong po itong P1 billion Marawi Siege Victims Compensation para tuluyang makabangon ang mga kababayan natin sa Marawi,” pahayag ni Pangandaman

“Gusto po ng administrasyon ni President BBM na mabigyan ng sapat na suporta at kakayanan ang mga apektadong pamilya na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay,” dagdag ng Budget Secretary.

Sakop ng kompensasyon ang mga claim para sa mga “partially and totally damaged” na mga gusali gayundin sa mga binawian ng buhay at naulilang pamilya.

Matatandaan noong Mayo 23, 2017, inatake ng Maute Group ang Marawi Town Center at sinakop ang lungsod.

Bagaman natapos ang gulo noong Oktubre ng parehong taon, malawak ang iniwan nitong pinsala sa mga ari-arian at buhay ng mga Maranao. — VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

66
Views

National

Ivy Padilla

55
Views