IBCTV13
www.ibctv13.com

P120-B capital, target ng PSE sa 2025

Jerson Robles
167
Views

[post_view_count]

Inaasahan ng Philippine Stock Exchange (PSE) na tataas pa sa P120 bilyon ang makakalap nitong kapital ngayong darating na 2025, na mas mataas ng 51% kumpara sa P79 billion na nakuha nito ngayong taon.

Malaki ang tiwala ni PSE President at Chief Executive Ramon Monzon na sa darating na bagong taon ay makababawi ang merkado mula sa naging resulta nito ngayong 2024 lalo pa’t inaasahang sa 2025 ay mas lalakas pa ang mga ‘capital-raising activities’ ng bansa.

“Next year, I think we can do about P120 billion. This year, we only have three initial public offerings [IPOs], and these are small ones. But we also had big preferred and follow-on offerings,” saad ni Monzon.

Ayon pa sa PSE President, maisasakatuparan ang target na P120-billion sa pamamagitan ng mga iba’t ibang uri ng IPO, offerings, stock rights offerings pati na ng private placements.

Samantala, kahit na naging mabagal ang merkado ng IPO ngayong taon, nakakita ang PSE ng malalaking alok sa kategoryang preferred shares at follow-on offerings, na nakatulong para sa kabuuang aktibidad ng paglikom ng kapital.

Sa kabila ng inaasahang pagtaas sa paglikom ng kapital sa susunod na taon, tiniyak ni Monzon na patuloy na gagampanan ng PSE ang mahalagang papel sa pagsuporta sa paglago ng ekonomiya.

Patuloy din itong magbibigay ng access sa kinakailangang pondo para sa mga kumpanya at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga mamumuhunan sa merkado. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

72
Views