IBCTV13
www.ibctv13.com

P128-M jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, handog ng PCSO sa Araw ng Kalayaan

127
Views

[post_view_count]

(Screengrab from PCSO Games Online Hub)

Bilang pagpupugay sa ika-128 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas, papalo sa P128,000,000.00 ang naghihintay na jackpot prize para sa maswerteng mananaya sa Ultra Lotto 6/58, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) simula sa darating na Biyernes, Hunyo 12.

Nilinaw naman ng PCSO na sa oras na mapanalunan na ang “increased jackpot,” babalik ang Ultra Lotto sa minimum nitong jackpot prize.

Kasama namang bobolahin sa major draw ang Mega Lotto 6/45 sa Biyernes.

Narito ang kabuuang schedule ng mga lotto game araw-araw mula Linggo hanggang Sabado:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Subaybayan ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga tahanan nito sa IBC 13 at D8TV, gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC