IBCTV13
www.ibctv13.com

P136-M pondo para sa provincial gov’t ng Cotabato at South Cotabato, ipinagkaloob ni PBBM sa ilalim ng SCPF

76
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the ceremonial turnover of Socio-Civic Projects Fund (SCPF) Assistance to the provincial government of Cotabato and South Cotabato last Thursday, June 25. (Photo courtesy of PCO)

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato at South Cotabato nitong Huwebes, Hunyo 25.

Personal na iniabot ng Pangulo ang P40 milyong halaga ng SCPF assistance kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, kasama ang pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) ng lalawigan at isang kinatawan ng mga napiling Presidential Scholar.

Tumanggap naman ng P96-M si Cotabato Vice Governor Rochella Marie T. Taray, kasama ang ABC President ng Cotabato at kinatawan ng mga iskolar.

Ang SCPF ay isang grant mula sa Office of the President na naglalayong maghatid ng direktang tulong-pinansyal sa mga lokal na komunidad.

Sa ilalim ng programang “Bawat Bayan Makikinabang,” ibinibigay ang pondo sa mga barangay at local government units (LGUs) upang suportahan ang mga localized public services, disaster management, at educational support sa kanilang mga komunidad.

Bawat barangay ay tatanggap ng P200,000 kung saan ang P100,000 ay nakalaan para sa community-identified development priorities, tulad ng street lighting, pagbili ng administrative equipment, at pagpapalakas ng pagtugon ng komunidad sa kalamidad o sakuna.

Ang natitirang P100,000 ay ilalaan naman para sa Bagong Pilipinas Barangay Scholars, kung saan bawat iskolar ay tumatanggap ng P20,000 bilang tulong sa kanilang gastusin sa pag-aaral. – VC