
Solong mag-uuwi ang isang maswerteng mananaya ng tumataginting na P14,435,567.00 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Biyernes, Enero 2.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning combinations na 44 – 21 – 19 – 10 – 18 – 11.
Samantala, bigo namang mapanalunan ang P202,600,000.00 jackpot sa Ultra Lotto 6/58 na may winning digits na 44 – 56 – 17 – 24 – 30 – 53.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa IBC 13 at D8TV, gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.











