
Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang halagang P150 bilyong investment pledges para sa New Clark City, isang smart at sustainable na metropolis na magiging bagong sentro ng negosyo sa Asya.
Kasama sa mga proyekto ang:
- Php20B Bangko Sentral Complex
- Php12B Hann Reserve
- Php12.32B Filinvest Innovation Park
- Php7B StB Giga Factory
“These investments send a message to the world, that the Philippines is now ready to innovate [and] lead to become a go-to destination for high-tech, high-impact investments,” mensahe ng Pangulo.
Inaasahang mahigit 100,000 trabaho ang magbubukas, lalo na sa engineering at finance, upang maiwasan ang “brain drain.”Bahagi ito ng Build Better More program na layong bawasan ang pagsisikip sa Metro Manila at palakasin ang ekonomiya ng Central at Northern Luzon. – AL