IBCTV13
www.ibctv13.com

P150,000 tulong-pinansyal, ibibigay sa bawat pamilya ng 3 estudyanteng nasawi sa Tacloban shooting incident – Palasyo

Michael Peronce
77
Views

[post_view_count]

Wake of one the students who died during the shooting incident in San Jose National High School in Tacloban City on Monday, June 22. (Photo courtesy of DepEd)

Inanunsyo ng Malacañang ang pagkakaloob ng P150,000 financial assistance sa bawat pamilyang naulila ng tatlong mag-aaral na nasawi sa nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes, Hunyo 22.

“Each family of those who died will be given financial assistance of P150,000,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Kapwa maghahatid din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) ng psychosocial services sa lahat ng mga mag-aaral na naapektuhan ng insidente.

Matatandaan na una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agaran at malalimang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril, kasabay ng pagtitiyak ng seguridad sa lahat ng lugar tulad ng mga opisina, establisyimento, at higit ang mga paaralan.

Nasa edad 14 at 15 ang dalawang suspek na nagpaputok ng baril sa loob ng nasabing paaralan, na ikinasawi ng tatlong mga mag-aaral at ikasugat ng 20 iba pa.

Napag-alaman sa paunang imbestigasyon ng pulisya na nagpaplano na sa pag-atake ang mga salarin mula pa noong Abril o Mayo.

Isa rin sa mga suspek ang napaulat na lulong sa mobile game na GoreBox na nagpapakita ng paggamit ng armas at “graphic violence.” – IP