IBCTV13
www.ibctv13.com

P2.2-B pondo para sa ambulansya, aprubado ni PBBM; sagot sa ‘medical needs’ ng mga Pinoy

Ivy Padilla
208
Views

[post_view_count]

Turnover of patient transport vehicles (PTVs) to 51 local government units in Passi City in Iloilo today, September 19. (Photo by PNA)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pag-apruba sa P2.2-bilyong badyet para sa pagbili ng 1,000 ambulances or patient transport vehicles (PTVs) na ipamamahagi sa buong bansa ngayong taon.

Sa ginanap na turnover ceremony ng 51 ambulansya sa Passi City, Iloilo ngayong araw, Setyembre 19, nangako si Pangulong Marcos Jr. na patuloy tutugunan ang ‘healthcare needs’ ng sambayanang Pilipino.

“We hope, one day, that every town and city — let me change that. We do not hope one day. We promise, one day, every town and city will be equipped with fully operational PTVs and medical responders on standby,” pangako ng Pangulo.

Ang paghahandog ng PTVs sa mga local government units at state-run hospitals ay naging posible sa pamamagitan ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Naglalaman ang bawat isa ng stretcher, oxygen tank, at blood pressure monitor na magagamit para sa ligtas at komportableng transportasyon ng mga pasyente.

Mula Hulyo 2022, mahigit 416 PTVs na ang naipamahagi sa mga LGU mula sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa National Capital Region (NCR).

Kasabay nito, nangako rin ang punong ehekutibo sa higit na pagsulong sa capacity-building ng medical professionals tungo sa mas pinalakas na healthcare system sa bansa. -VC

Related Articles