Nagpasalamat si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez sa House of Representatives para sa kanilang mabilis na pag-apruba sa P2.281-bilyong panukalang badyet ng ahensya sa taong 2025.
Sa ginanap na deliberasyon sa plenaryo ng Kamara ngayong Biyernes, Setyembre 20,
walang kahit isang kongresista ang bumusisi pa sa proposed budget ng ahensya kung saan nagpaabot pa ng suporta para sa posibleng karagdagan sa pondo nito.
Sa isang pahayag, kinilala ni Sec. Chavez ang buong suporta ng Kamara sa mga bagong programa ng PCO para sa pagsulong ng ‘truthful’ at ‘timely’ na paghahatid ng impormasyon patungkol sa mga serbisyo ng pamahalaan.
“The fact that our budget breezed through plenary without a single question asked and no opposition manifested spurs us more to deliver on the outcomes we have promised in that budget,” saad ng kalihim.
Nangako naman si Sec. Chavez na gagamitin sa nararapat na mga plano at programa ang bawat sentimo ng pondong ipinagkaloob sa ahensya.
“This is a vote of confidence in our mission and organization, which we shall work to redeem in full,” dagdag nito. -VC