IBCTV13
www.ibctv13.com

P213.5-B, target ng PEZA na maabot bago matapos ang 2024

Jerson Robles
173
Views

[post_view_count]

Umaasa ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na matatapos ang taong 2024 na may kabuuang investment pledges na aabot sa P213.5 billion na mas mataas ng 21.5% mula sa tala noong nakaraang taon at pinakamataas sa nakalipas na pitong taon.

Sa isang press briefing, sinabi ni PEZA Director-General Tereso Panga na nalampasan na ng ahensya ang kanilang target nitong P200 billion noong Nobyembre, kung saan umabot ang kabuuang pledges sa P201.5 bilyon, na nagpapakita ng 14.7% na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong 2023.

Inaasahan naman ng PEZA na madagdagan pa ito ng hindi bababa sa P12 billion bago matapos ang taon.

Karamihan sa mga pledged investments ay nakatuon sa manufacturing, na itinuturing ni Panga bilang “real job generators” dahil sa mas mabilis nitong proseso kumpara sa ibang sektor tulad ng renewable energy.

Umabot sa 32% ang ambag ng sektor ng manufacturing sa kabuuang pamumuhunan sa bansa, habang ang information technology (IT) sector ay nagbigay naman ng karagdagang 12% hanggang 15%.

Naitala rin ang positibong paglago sa mga key performance indicator tulad ng ‘investments, projects, exports, at employment’ para sa taong 2024.

Samantala, bumaba man ang investment figures noong Oktubre nabawi naman ito sa pagtaas ng tala noong Nobyembre na nagbigay-daan upang maabot ang kanilang target.

Ang inaasahang P213.5 bilyon para sa 2024 ay isang mahalagang hakbang patungo sa layunin ng PEZA na malampasan ang nakaraang rekord na P311.9 bilyon noong 2018.

Ayon kay Panga, kapag nalampasan nila ang halagang ito, magiging seryoso silang contender para sa foreign direct investment (FDI) attraction.

“As soon as we surpass the P311.9-billion mark, we’ll be positioned as a serious contender for foreign direct investment [FDI] attraction,” saad ni Panga.

Nakatutok ang PEZA sa mga priority industries tulad ng electronics at electric vehicles upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pag-akit ng mga mamumuhunan, kasabay ng layunin ng Department of Trade and Industry (DTI) na gawing pangalawang pinakamalaking FDI destination ang Pilipinas sa ASEAN pagsapit ng 2028. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

60
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views