IBCTV13
www.ibctv13.com

P3.15-T halaga ng PPP projects, ipatutupad ng pamahalaan at pribadong sektor

Michael Peronce
75
Views

[post_view_count]

(File photo from PIA)

Kasalukuyan nang nakalatag ang 250 mga proyektong nagkakahalaga ng kabuuang P3.15 trilyon, at nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan at pribadong sektor, batay sa datos ng Public-Private Partnership (PPP) Center.

Mula sa nasabing bilang, 167 mga proyekto na may kabuuang halaga na P3.01 trilyon ang isasagawa ng pambansang pamahalaan habang ang natitirang 83 mga proyekto naman na may halagang P133.34 bilyon ang ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon pa sa PPP Center, nangunguna ang railways sa may pinakamalaking pondo sa mga proyekto na umaabot sa P1.97 trilyon.

Sinusundan ito ng land transport na may P277.26 bilyon at road projects na pumapangatlo sa P221.46 bilyon.

Karamihan sa mga isasagawang proyekto ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, at CALABARZON. – IP