IBCTV13
www.ibctv13.com

P40/kilo na bigas, mabibili sa mas maraming pamilihan sa NCR ngayong Pasko – DA

Ivy Padilla
97
Views

[post_view_count]

DA Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr., and Trade and Industry Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque inspected the Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All kiosks at Guadalupe Public Market last December 19. (Photo by DA)

Makabibili na ang mas maraming Pilipino ng P40 kada kilo ng well-milled rice matapos magdagdag ang Department of Agriculture (DA) ng Kadiwa ng Pangulo rice kiosk sa apat (4) pang pampublikong palengke sa Metro Manila sa ilalim ng Rice-for-All program.

Ayon sa DA, nagsimula nang magbenta ng murang bigas sa apat na palengke nitong Sabado, Disyembre 21, kabilang ang:

– Larangay Public Market, Dagat Dagatan, Caloocan City

– Phase 9 Bagong Silang Market, Caloocan City

– Cloverleaf Market, Balintawak, Quezon City

– New Marulas Public Market, Valenzuela City

Bukas ang mga bagong rice kiosk mula 4:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. buong holiday season kung saan magsasara lamang ito sa Disyembre 24-25 at Disyembre 30-Enero 1, 2025. 

“The DA is actively coordinating with market leaders to further expand the Rice-For-All Program, with plans to establish more KADIWA ng Pangulo kiosks across Luzon and eventually nationwide,” saad ni DA Assistant Secretary for Kadiwa program Genevieve Velicaria-Guevarra.

Kasabay nito, binuksan din ang rice kiosk para naman sa P29 rice program sa Kamuning Market sa Quezon City, Pasay City Public Market, at New Las Pinas City Market.

Binigyang-diin ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel na mahalaga ang nasabing inisyatiba alinsunod sa pangako ng pamahalaan na gawing abot-kaya ang bigas sa mga pamilyang Pilipino.

Related Articles

National

Ivy Padilla

93
Views

National

Ivy Padilla

163
Views