IBCTV13
www.ibctv13.com

P45/kilo ng bigas, asahan sa Enero 2025 – DA

Ivy Padilla
300
Views

[post_view_count]

Photo by Philippine News Agency/File

Iniulat ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel na inaasahang bababa sa P45 kada kilo ang presyo ng bigas sa Enero 2025.

Sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes, Setyembre 24, sinabi ni Laurel na unti-unting bababa ang presyo ng bigas sa kalagitnaan ng Oktubre kung saan mararamdaman ang buong epekto nito pagsapit ng Enero ng susunod na taon.

“But the full effects, para sa akin, PhP5 to PhP7 ang range, so, I will put it at PhP5 na dapat bumaba. Kung PhP52 ngayon ang bigas, dapat by January nasa PhP48 na lang iyan, Kung PhP50 ang bigas ngayon, PhP45 dapat iyan by January, iyan ang aking estimates,” saad ni Laurel.

Resulta ito aniya ng patuloy na interbensyon ng pamahalaan upang mapababa ng presyo ng bigas, partikular na ang pagpapababa sa rice tariff. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

64
Views

National

Ivy Padilla

55
Views