IBCTV13
www.ibctv13.com

P49.1-M jackpot sa Lotto 6/42, napanalunan ng isang mananaya mula Rizal

Khengie Hallig
284
Views

[post_view_count]

Isang maswerteng mananaya mula Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal ang mag-uuwi ng tumataginting na P49,195,100.40 na jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Martes, Disyembre 16.

Maswerteng nahulaan ng lucky bettor ang winning combinations na 15 – 19 – 24 – 41 – 42 – 05.

Mayroong isang taon ang nanalong mananaya upang kuhanin ang napanalunang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City, na may 20 percent tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Bukod dito, 31 mananaya naman ang mag uuwi ng tig-P24,000 matapos mahulaan ang limang winning digits, 2,549 ang mag-uuwi ng P800 bawat isa matapos mahulaan ang apat na winning digits, at 34,787 ang mayroong tig-P20 para sa tamang hula ng tatlong winning digits.

Hinikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga gaming product ng ahensya upang makapagbukas pa ng maraming proyekto at inisyatibang pangkalusugan at makatulong sa iba pang national charities.