Bigo pa ring mapanalunan ng mga mananaya ang tumataginting na P49,500,000.00 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 matapos ang 9:00 p.m. draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Enero 24.
Walang nakakuha sa winning combinations na 17 – 11 – 52 – 25 – 38 – 47.
Kasabay nito ay wala ring nag-uwi sa P15,038,223.40 jackpot sa Mega Lotto 6/45 na may winning digits na 35 – 8 – 29 – 26 – 15 -21.
Narito ang schedule ng mga lotto games mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.