IBCTV13
www.ibctv13.com

P60-B pondong inilipat ng PhilHealth sa National Treasury, napunta sa mga programang pangkalusugan

Divine Paguntalan
62
Views

[post_view_count]

DOH provides free check-ups to children. (Photo from DOH)

Binigyang-diin ni Solicitor General Menardo I. Guevarra sa Korte Suprema na ang malaking bahagi ng inilipat na P60-bilyong sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury ay ginamit upang pondohan ang mahahalagang programa sa kalusugan at serbisyong panlipunan.

Sa datos ng Department of Finance (DOF), 78% o P46.61-bilyon ng sobrang pondo ng PhilHealth ay inilaan sa mga sumusunod na health services:

  • P27.45 B – Public Health Emergency Benefits and Allowances para sa healthcare at non-healthcare workers na nagsilbi noong COVID-19 pandemic.
  • P10.00 B – Medical assistance para sa mga mahihirap at kapos sa pinansyal na pasyente.
  • P4.10 B – Mga makabagong kagamitang medikal para sa mga ospital ng Department of Health (DOH), lokal na pamahalaan, at primary care facilities.
  • P3.37 B – Tatlong bagong pasilidad ng DOH.
  • P1.69 B – Health Facilities Enhancement Program.
  • P13.00 B – Mga proyektong imprastraktura at panlipunan na may kaugnayan sa kalusugan.

Ayon kay Guevarra, patuloy na lumalawak ang mga benepisyo ng PhilHealth na malinaw na katunayan na walang epekto sa operasyon nito ang ginawang paglipat ng pondo.

Idinagdag niya na ang mga proyektong pinondohan—tulad ng mga ospital, health centers, at serbisyong medikal—ay direktang napakinabangan ng mga Pilipino at tumutugma sa layunin ng PhilHealth.

“PhilHealth has been increasing its benefit packages even before Special Provision 1(d) came into effect, and more so after that special provision was enacted as part of the unprogrammed appropriations. We have seen [benefits] increase over the past several months,” saad ni Guevarra. – VC

Related Articles

National

Hecyl Brojan

87
Views

National

Divine Paguntalan

62
Views