IBCTV13
www.ibctv13.com

P607-M halaga ng tulong, ilalaan ng UN para sa mga biktima ng bagyo sa Pilipinas

Jerson Robles
257
Views

[post_view_count]

Inanunsyo ng United Nations (UN) na maglalaan ito ng USD 10.5 million o humigit-kumulang P607-milyong halaga ng tulong para sa mga Pilipinong naapektuhan ng magkakasunod na tropical cyclones sa Pilipinas.

Ang balita ay kasabay ng paglalabas sa revised Humanitarian Needs and Priority Plan (HNP) na layong makalikom ng USD 42.4 million o katumbas ng P2.47-bilyon para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyo.

“Following more devastation in an unprecedented typhoon season affecting almost 13 million people, the Humanitarian Country Team (HCT) has since increased its target to USD 42.4 million under the updated HNP — with USD 10.5 million from the UN-CERF (Central Emergency Response Fund),” saad ni UN Philippines Resident and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzales.

As of December 5, nasa USD 20.1 million o P1.17-bilyon ang kinakailangan upang maabot ang nasabing revised target kung saan nasa USD 22.3 million o P1.3-bilyon na ang identified contributions.

Ayon sa UN, ang bagong HNP ay makatutulong sa higit na 535,000 katao sa siyam (9) na lalawigan sa Luzon kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, Batangas, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, at Camarines Norte.

Matatandaang nasa USD 33 million o P1.92-bilyon lang ang naunang kinakailangang pondo ng HNP para matulungan ang nasa 210,000 indibidwal.

“We are gradually making strides in gathering resources and thankful to each and one of our donors who heeded our call,” ani Gonzales.

Sa ngayon, nakatanggap na ng suporta ang UN mula Estados Unidos na nangakong magkakaloob ng USD 6 million para suportahan ang logistics, shelter, water, sanitation, hygiene, at iba pang inisyatibong may kaugnayan sa pagtugon sa sakuna.

Dumagsa rin ang suporta mula sa iba’t-ibang bansa tulad ng Australia na maglalaan ng USD 3.5 million para sa food security, gender protection, at livelihood recovery efforts; Germany na nag-pledge ng USD 400,000; at South Korea na magbibigay ng USD 500,000 bilang tulong sa disaster response.

Ang kontribusyon naman mula sa United Kingdom na nasa USD 1.25 million at Canada na aabot sa USD 355,872 ay direktang ilalaan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. – IP

Related Articles