IBCTV13
www.ibctv13.com

P7,000 gratuity pay para sa mga gov’t COS, JO workers, aprubado na ni PBBM!

Ivy Padilla
256
Views

[post_view_count]

Photo by Department of Budget and Management

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 28 o ang pagbibigay ng Gratuity Pay para sa mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers ng pamahalaan na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa P7,000.00.

Ito ay bilang pagkilala sa dedikasyon at mahalagang kontribusyon ng mga maggagawa sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng gobyerno ngayong taon.

“Granting a year-end gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work and valuable participation in the implementation of various PAPs of the government, and their pivotal role in the delivery of government services amidst the present socio-economic challenges,” saad ng Pangulo.

Sa inilabas na AO, nakasaad na makatatanggap ng P5,000.00 hanggang P7,000.00 insentibo ang mga COS at JO employee na nagtrabaho nang hindi bababa sa apat (4) na buwan as of December 15.

Tatanggap din ng gratuity pay ang ang empleyado na nagtrabaho ng mas mababa sa apat na buwan sa pro-rata na batayan:

3 months but less than 4 months – P6,000.00
2 months but less than 3 months – P5,000.00
Less than 2 months – P4,000.00

Ang halaga ng gratuity pay ngayong taon ay mas mataas kumpara sa ibinigay noong 2023 na hindi tataas sa P5,000.00 halaga. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

80
Views

National

Ivy Padilla

98
Views