IBCTV13
www.ibctv13.com

P7,000 medical allowance para sa mga gov’t workers, ipamamahagi ngayong 2025 – DBM

Divine Paguntalan
2616
Views

[post_view_count]

(Canva file photo)

Maganda ang pasok ng 2025 para sa mga empleyado ng gobyerno dahil inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagkakaloob ng P7,000 halaga ng medical allowance.

Ang allowance ay alinsunod sa Budget Circular 2024-6 na inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon sa kalihim, maaari nila itong gamitin sa pagkuha ng benepisyo gaya ng Health Maintenance Organization (HMO) coverage o pambayad at pag-renew sa kanilang kasalukuyang HMO subscription. 

“Matagal ko na pong pangarap ito para sa ating mga kababayan. Pagpasok po ng 2025, maaari na po silang makatanggap ng medical allowance para makatulong sa pagkuha nila ng HMO para sa kanilang health-related expenses o gastusin,” pahayag ng budget secretary.

Saklaw ng naturang benepisyo ang lahat ng government employees —  regular, casual, contractual, appointive, elective, full-time, o part-time — na nagtatrabaho sa:

  • Mga ahensya ng gobyerno,
  • State universities and colleges,
  • Mga government-owned and controlled corporations na hindi saklaw ng Republic Act 10149 at Executive Order 150 s. 2021.
  • Empleyado ng lokal na pamahalaan at local water districts

Samantala, mayroong dalawang (2) option sa kung paano pwedeng matanggap ng mga empleyado ang medical allowance:

  • HMO-Type Coverage: Direktang inilalaan ng ahensya o organisasyon ng empleyado.
  • Cash Grant: Para sa mga nais kumuha ng sariling HMO o mag-renew ng kasalukuyang coverage.

Sa inisyatibang ito, layon ng DBM na mas mapabuti ang kalagayan ng mga empleyado ng pamahalaan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa publiko. – VC

Related Articles