
Mag-uuwi ang isang masuwerteng mananaya ng tumataginting na P81,810,102 jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Huwebes, Nobyembre 13.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 18-28-8-30-41-6.
Samantala, wala namang nakakuha ng jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na umabot sa P15,840,000.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – IP











