IBCTV13
www.ibctv13.com

P84-M jackpot prize sa Megalotto 6/45, napanalunan ng isang masuwerteng mananaya

Hecyl Brojan
70
Views

[post_view_count]

File photo

Isang masuwerteng mananaya mula Metro Manila ang mag-uuwi ng jackpot prize na P84,182,510 matapos makuha ang winning combinations na 29-22-25-37-41-34 sa Megalotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Miyerkules, Nobyembre 26.

Nabili ng maswerteng mananaya ang winning ticket sa isang outlet sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Ayon sa PCSO, may isang taon ang nanalo para i-claim ang premyo sa kanilang main office sa Mandaluyong City, kung saan papatawan ito ng 20% buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Bukod sa jackpot winner, may 18 bettors din ang nanalo ng tig-P32,000 sa limang tamang numero, habang 1,034 bettors naman ang nakakuha ng tig-P1,000 sa apat na numero, at 18,024 ang may tig-P30 sa tatlong tamang numero.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. –VC

Related Articles